VM Sebastian “Baste” Duterte, wala nang pagdadaanang ibang proseso sa pagiging acting Mayor ng Davao —DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na di na dadaan sa alinmang proseso si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte upang maging acting Mayor ng Davao.

Sa isang statement, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ipaliliwanag na lang nila kay Baste Duterte ang kaniyang mga gagampanang responsibilidad.

Inatasan naman ni Remulla ang Hugpong ng Tawong Lungsod, ang partido ng mga Duterte na mag-nominate ng temporary councilor dahil ang number one councilor ay aakyat upang maging acting vice mayor.

Binigyan-diin ng DILG chief na naayon sa batas ang pag operationalize ng succession rule upang masigurong may gaganang liderato sa Davao City habang nagpapatuloy ang legal proceedings laban sa nahalal na alkalde na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments