Vog mula sa Bulkang Taal, ibinabala ng Phivolcs

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaugnay sa Vog o volcanic smog na mula sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng upwelling mula sa crater ng bulkan na nagdulot ng vog sa mga nakalipas na araw.

Nagbuga rin ng sulfur dioxide o asupre ang Bulkang Taal na nasa 11,072 tonelada kada araw habang umabot naman sa 2,400 metro ang taas ng usok.


Sa ngayon, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng Taal Volcano Island lalo na sa main crater at bawal din ang pamamalagi sa Taal Lake.

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan.

Facebook Comments