Volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Bulusan; Alert level 1, itinaas

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng isang beses na pagyanig sa Bulusan Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Dahil sa pagyanig, nagbuga ng abo ang bulkan na may taas na 50 kilometro.

Nakitaan din ng ground deformities ang bulkan na nangangahulugang nagkakaroon ito ng abnormal volcanic activity sa ilalim.


Dahil dito, itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 ang Bulusan kung saan maaari itong magkaroon ng phreatic eruption o pagbuga ng abo.

Babala ng PHIVOLCS, iwasan munang lumapit sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at sa two-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) ng bulkan.

Pinayuhan din nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na huwag munang paraanin ang mga eroplano malapit sa bulkan.

Facebook Comments