Volcanic quakes at lava fountain, patuloy na naitatala na Bulkang Taal  

Courtesy Mike Sagaran

Hindi pa rin tapos ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Ito ay base sa tulu’y-tuloy na pagyanig at lava founatain.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ibig sabihin ng mga nasabing sensyales ay patuloy na umaakyat ang magma sa bukana ng bulkan.


Isa rin sa binabantayan ay ang “base surge”, ito ang dahilan ng pagkamatay ng maraming tao sa pagsabog ng bulkan noong 1754, 1911 at 1965.

Maituturing aniya itong major hazard at posibleng worst case scenario.

Sa depinisyon ng United States Geological Survey, ang “base surge” ay isang hugis singsing na gas cloud at suspended solid debris na mabilis kumikulos palayo sa vertical eruption column.

Mas kilala rin itong “horizontal eruption.”

Facebook Comments