Volodymir Zelenskiy, nanumpa na bilang bagong Ukraine president

Pormal nang nanumpa bilang bagong pangulo ng Ukraine ang TV comedian na si Volodymir Zelenskiy.

Nangako si Zelenskiy na tulad ng kanyang trabaho na patawanin ang kanyang mga kababayan, sisikapin niyang pagserbisyuhan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nanawagan din siya sa mga opisyal na alisin ang naka-ugaliang pagsasabit ng larawan ng mga Pangulo sa kanilang mga opisina at sa halip ay isabit ang mga litrato ng kanilang mga anak.


Isa sa mga tututukan ni Zelenskiy ay ang conflict ng Ukraine sa Russia at mabawi ang kanilang crimea na bahagi ng kanilang teritoryo.

Tumatak din ang araw ng kanyang inarugasyon tulad ng pakikipag-apir sa mga taga-suporta at huminto para makipag-selfie sa madla.

Mayroon din bahagi kung saan tumalon pa ang bagong Ukraine leader para halikan sa noo ang isang lalaki.

Facebook Comments