
Nabawasan na ang volume ng greeters ngayong araw sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.
Ito ay kung ikukumpara sa volume ng mga sumasalubong sa mga dumadating na balikbayan sa NAIA 3 bago mag-Pasko.
Habang sa departure area naman ng NAIA 3, walang namataang mahabang pila ng mga pasahero sa check-in counters ng airlines.
Marami naman tayong mga kababayan na patungo sa mga lalawigan ang patuloy na dumadagsa sa naia 3 para sa domestic flights.
Nananatili namang on time ang paglipad at paglapag ng mga eroplano sa NAIA 3.
Wala ring namataang mahabang pila sa immigration counters sa paliparan.
Facebook Comments









