Volume ng mga pasahero sa departure area ng NAIA 3, nabawasan na; well-wishers naman, dagsa pa rin sa international arrival area

Nabawasan na ang volume ng mga pasaherong dumadagsa sa international departure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Habang may mangilan-ngilan namang mga pasaherong humahabol sa domestic flights.

Sa international arrival naman sa NAIA 3, dagsa pa rin ang well-wishers na nag-aabang sa kanilang mga kamag-anak na balikbayan.

Dahil sa kapag ng tao sa arrival area, wala nang maupuan ang mga kababayan nating sumusundo sa kanilang mga kamag-anak na galing ng abroad.

Ang ilan naman ay napipilitan na lamang na umupo sa sahig dahil sa kakulangan ng mga upuan.

Pagdating naman sa labas, pahirapan ang pag-book ng taxi at sa dami ng dumadating na pasahero,nagkakaubusan na rin ng coupon taxi o ang airport taxi na may fixed rate.

Facebook Comments