Manila, Philippines – Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ay gawin lamang boluntaryo ang drug testing sa mga kandidato para sa darating na halalan.
Ito ang paninindigan ng Malacañang makaraang sabihin ng PDEA na nais nila ng surprise random drug testing sa mga kandidato.
Aniya, magkukusa naman daw kasi ang mga tatakbo na ipasailalim sa drug testing ang kanilang sarili kaya’t hindi na dapat pwersahin pa ang mga ito.
Matatandaang una nang sinabi ng PDEA, na ang suprise drug test ay para hindi makapaghanda ang mga kandidto sa drug test at nang malamanan ng publiko kung sila ay gumagamit ng iligal na droga.
Facebook Comments