VOLUNTARY | PNP, nilinaw na hindi mandatory ang paglalagay ng clean-rider stickers

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) hindi mandatory o sapilitan ang pagdidikit ng clean-rider sticker kapag nagparehistro ng motorsiklo.

Ayon kay PNP Spokesman, Senior Superintendent Benigno Durana Jr., voluntary ang paglalagay ng sticker.

Layunin naman aniya nito na magsugpo ang mga krimeng kinasasangkutan ng riding in tandem.


Hindi na ito hihigpitan sa checkpoints at hindi paghihinalaan kapag may nangyaring krimen sa bansa.

Sinabi pa ni Durana na dumaan ito sa pagsusuri ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments