Voluntary price freeze sa mga presyo ng pangunahing bilihin, hiniling ng DTI sa mga manufacturer ngayong panahon ng El Niño

Nakiusap ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga food manufacturer upang magkaroon ng voluntary prize freeze sa mga presyo ng pangunahing bilihin.

Layon nitong mapanatili ang kasalukuyang presyo sa iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa na patuloy na naaapektuhan ng El Niño.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nais niyang hikayatin ang mga ito na makiisa sa government action upang mai-stable ang mga presyo ng prime commodities sa bansa at magkaroon ng mas abot-kayang pagkain ang mga Pilipino.


Dagdag pa ng kalihim, bukod kasi sa kapakanan ng mga mamimili ay iniisip ng DTI ang pagkakaroon ng proteksyon sa retailers upang mas maihatid sa kanila ang abot-kayang produkto at hindi maaapektuhan ang kani-kanilang mga negosyo.

Ang pakikipagpulong ng DTI sa ilang malalaking food manufacturers ay upang mapabatid na huwag muna magtaas ng presyo ngayong panahon ng tagtuyot sa buong Pilipinas.

Facebook Comments