Voluntary repatration, dapat samantalahin ng mga Pilipino na undocumented sa Amerika

Pinayuhan ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang nasa 300,000 mga Pilipino na namamalagi sa Amerika ng walang sapat na dokumento na samantalahin ang voluntary repatriation bago pa ipatupad ang mahigpit na deportation policies sa ilalim ng Trump administration.

Tinukoy ni Salo na kabilang diyan ang mga kababayan natin na legal na pumasok sa Amerika pero namamalagi ng matagal na labag sa kanilang mga taglay na visa.

Ang mensahe ni Salo ay bilang suporta sa panawagan ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa mga undocumented na mga kababayan natin sa United States na magpa-voluntary repatriation kung wala silang legal na opsyon na puwedeng gawin.


Kaugnay nito ay pinag-iingat naman ni Salo ang ating mga kababayan na nais humanap ng legal na paraan para manatili sa Amerika na sumangguni lamang sa mga lehitimong legal advisers upang hindi sila mapahamak.

Facebook Comments