Manila, Philippines – Tatlong araw bago ang barangay at Sangguniang Kabataan election, mas laganap na ang vote buying o pagbebenta ng boto.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, nasa 500-pesos hanggang 2,500-pesos ang presyuhan ng kada boto.
Hinala ni Diño, maaring ang mga lokal na politiko ang nagpo-pondo sa vote-buying bilang pagahahanda sa kanilang sariling pagkandidato, dahil ang barangay captain ang magdadala sa kanila ng mga boto.
Bunsod nito, hinimok ng DILG officials ang mga mamayan na kunan ng video ang mga insidente ng vote buying para maparusahan ang mga gumagawa nito.
Siniguro rin ni Diño na kahit manalo ang mga tumakbong barangay officials, tatanggalin sila sa pwesto sa oras na mapatunayang sangkot sila vote-buying o anumang paglabag sa mga alituntunin sa kanilang kampanya.