Laguna – Inaresto ng mga tauhan ng Calamba City Police station ang isang Barangay Health worker sa Barangay Milagrosa Calamba City Laguna kagabi matapos maaktuhang nagbo-vote buying.
Kinilala ito ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar, na si Corazon Tapalla Del Rosario, 63 anyos, isang Barangay Health worker at residente ng Purok 5, Brgy Milagrosa, Calamba City, Laguna
Sa inisyal na ulat, mismong inaresto ng mga nagrereklamong sina Calamba city councilor Saturnino Lajara at electrician na si Loreto Gareza ang suspek.
Pero bago ito nakita ng mga nagrereklamo ang suspek na nagaabot ng pera sa isang Antonio Latumbo, isang rehistradong botante sa Brgy Milagrosa Calamba.
Narekober sa suspek ang dalawang piraso ng 500 peso bill na nakalagay sa maliit na brown envelope.
Samantala sa Lucena City naman, pitong mga indibidwal ang inaresto ng apat na nagrereklamo ng vote buying matapos na makatanggap ng tawag sa umanoy nagaganap na vote buying sa Purok 4, Dulong Buhangin Brgy. Dalahican, Lucena City.
Huli sa akto ng mga nagrerekamo ang pitong katao na may bitbit na mga envelops na may kasamang sample ballots.
May tig 200 piso rin sa envelop na aabot sa kabuuang halaga na 1800 pesos,
Kinilala ang mga suspek na sina Pepito Carbonel, Virginia Sta Ana, Dory Repollo, Romeo Bersabe , Arsienio Lagrason Jr, Fernando Irwin Casino at Wilma
Anthony.
Nakatakda ng sampahan ng kaso may kinalaman sa eleksyon ang mga naarestong suspek.