Manila, Philippines – Binalaan ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Brgy. official na mahuhuling bumibili ng boto sa kanilang mga barangay na mayroong kaakibat na parusa para dito.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, mahigpit nitong tagubilin sa lahat ng mga barangay official sa buong bansa na mayroong kaakibat na kasong Administribo bukod paglabag sa paglabag sa COMELEC Law ang sinumang opisyal ng brgy. na mahuhulihang nagbo-vote buying sa kanilang barangay.
Paliwanag ni Diño, nakipag ugnayan na siya kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na anatasan na nito ang PNP na higpitan ang kanilang gagawing pagbabantay sa SK at Brgy. Election bukas upang matiyak na ligtas ang mga botante sa anumang karahasan at mahuli ang sinumang nagtatangkang bibili ng boto.
Hinikayat din ni Diño ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung mayroon silang nalalaman na nagbo-vote buying o maykahina-hinalang pagkilos sa kanilang lugar.