Vote buying, ipinadedeklara bilang “heinous crime”

Iginiit ni Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez Jr., na ideklara ang “vote buying” bilang isang “heinous crime” o karumal-dumal na krimen.

Nakapaloob ito sa inihain ni Golez na House Bill 1709 na nagtatakda ng parusang pagkakakulong na 20 hanggang 40 taon para sa mapapatunayang nagsagawa ng pamimili ng boto.

Ang mapapatunayan namang tumanggap ng pera o anumang may “value” kapalit ng kanyang boto sa kandidato ay makukulong na 1 hanggang 6 na taon, pagmumutalhin ng hindi bababa sa P100,000 at habambuhay na diskwalipikasyon sa pag-upo sa public office.


Giit ni Golez, mahalaga ang “right to suffrage” o karapatang bumoto kaya may sarili itong artikulo sa Konstitusyon pero sinisira ng vote buying ang importansya ng naturang karapatan ng mamamayang Pilipino.

Diin ni Golez, panahon na para mahinto ang pagkabulag ng publiko sa vote buying upang tanggihan nila ito tuwing panahon ng eleksyon.

Facebook Comments