Vote buying sa BARMM Elections, mino-monitor na ng Comelec

Mahigpit na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang vote buying at vote selling matapos simulan ang campaign period sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election.

Kaugnay nito, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nagsimula na rin mag-monitor ang Komite Kontra Bigay, Task Force KKK, Task Force Safe on Anti Discrimination at Task Force Baklas.

Ayon kay Garcia, hindi sila magdadalawang isip na mag-diskwalipika ng kandidato at magsampa ng kasong kriminal sa lalabag panuntunan ng halalan.

Aniya, gagamitin nila ang buong pwersa ng batas para mapanagot ang lalabag at ang magsasagawa ng vote buying.

Naniniwala naman si Garcia na gagawin ng Bangsamoro ang lahat para maging maayos, payapa at malinis ang kauna- unahang parliamentary elections.

Nakipag-ugnayan na rin ang Comelec sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad sa panahon ng kampaniya at mismong araw ng botohan sa October 13, 2025.

Facebook Comments