Vote buying sa house speakership, espekulasyon lamang

Manila, Philippines – Kinontra ni House Minority Leader Danilo Suarez ang umano’y suhulan para makuha ang house speakership sa 18th Congress.

Ayon kay Suarez, espekulasyon lang ang umano’y bilihan ng boto ng mga kongresista.

Matatandaang ibinunyag ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na nasa P500,000 hanggang P1 milyon ang bigayan para mabili ang boto ng mambabatas.


Tanong ni Suarez kay Alvarez, namili rin ba ito ng boto bago siya maging house speaker.

Giit pa ni Suarez, wala namang maipakitang ebidensya si Alvarez na nabibili nga ang boto ng mga mambabatas.

Facebook Comments