Hindi magbabago ang voting precinct ng mga residente sa 10 “EMBO” barangays na ngayon ay nasa ilalim na ng Taguig LGU.
Ito ang nilinaw ni COMELEC Chairman George Garcia matapos ang Security and Command Conference para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Camp Crame, kahapon.
Ayon kay Garcia, mananatili pa rin ang mga residente sa nakatalagang presinto tuwing may halalan sa bansa.
Kaugnay nito, sinimulan na ang reprinting ng mahigit 300,000 balota na gagamitin sa Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside at Southside.
Kasama rin sa reprinting ang mga balota sa mga bagong lungsod ng Carmona, Calaca at Baliuag sa Bulacan.
Gayundin sa dalawang bagong lalawigan ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Inaasahan na matatapos ang reprinting ng mga balota ngayong linggo.