Hinimok ni Deputy Speaker Benny Abante ang Department of Education (DepEd) na isama sa curriculum ang voter education program.
Ang mungkahi ay bunsod na rin ng nalalapit na national election sa 2022.
Ayon kay Abante, mahalagang ikunsidera na ng DepEd ang pagbibigay sa mga high school student ng ‘objective criteria’ para sa pagpili ng mga nararapat na kandidatong ihahalal sa posisyon.
Bukod dito, paraan din aniya ito para mahimok ang mga mag-aaral na magparehistro at bumoto.
Mahalaga rin aniya na maaga pa lang ay maturuan na ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng partikular na standard at criteria sa pagboto.
Inirekomenda rin ng mambabatas na gamitin ng mga paaralan ang “3Cs Criteria” o ang competence, character at credibility para maging gabay ng mga future voters.