Itinutulak ni Former Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gregorio Larrazabal na payagan na ang voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Larrazabal, dapat amyendahan ng COMELEC ang guidelines na sa mga lugar lamang na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) pwedeng magparehistro.
Paliwanag nito, hanggang ngayon ay mababa pa rin ang bilang ng mga bagong nagparehistro para sa 73 milyong Pilipinong kwalipikadong botante.
Dagdag pa ni Larrazabal, marami pa ring Pilipino ang gustong magpa-reactivate ng kanilang voter registration para makaboto nang muli sa 2022 national elections.
Matatandaang inihayag ng COMELEC na naabot na nila ang target na 60 milyong rehistradong botante.