Voter registration, itutuloy na sa Dec. 9, 2022 hanggang Jan. 31, 2023

Ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration simula December 9, 2022 hanggang January 31, 2023.

Para sa local voter registration, ang mga kwalipikadong botante ay maaaring magsumite ng kanilang requirements at magpakuha ng biometrics data sa Office of the Election Officer (OEO) o sa anumang satellite registration site kung saan sila nakatira.

Para naman sa overseas voters, kailangan nilang mailipat ang kanilang registration record mula overseas patungong local hanggang sa Enero 31.


Samantala, ayon kay Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, magsasagawa sila ng pilot test ng “Register Anywhere” Project sa limang piling mall sa Metro Manila.

Layon nito na mailapit at gawing mas madali para sa publiko ang proseso ng pagpaparehistro.

Gaganapin ito tuwing Sabado at Linggo simula December 10, 2022 hanggang January 29, 2023 maliban sa mga petsang December 24, 25, 31 at January 1.

Facebook Comments