Voter registration, matumal sa kasalukuyan – COMELEC

Inaasahan na ng Commission on Elections o COMELEC na matumal talaga ang mga nagpaparehistro para maging botante kapag malayo pa ang araw ng halalan.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia ganito palagi ang sitwasyon sa bansa kapag malayo pa ang eleksyon.

Kaya ang panawagan ng opisyal sa mga kwalipikadong Pilipino na bumoto na magparehistro na habang maaga.


Nakakalungkot ayon kay Garcia na ang inaasahan nilang nakarehistro na ay hanggang 1.5 hanggang 2 milyon botante pero sa ngayon ay nasa 200,000 pa lamang ang nag-a-apply.

Ang Barangay at Sangguniang Kabataang Election ay gagawin sa October 30, 2023.

Ito ay matapos na maantala noong December 5, 2022.

Facebook Comments