Voter registration ng COMELEC, umabot na sa 900,000 — extension sa registration, hindi na palalawigin pa

Umabot na sa halos 900,000 ang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at SK Eelections.

Ayon sa Commission on Elections, pinakamaraming bilang ang naitala sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON Region.

Inaasahan ng COMELEC na malalagpasan nila ang target na isang milyong mga bagong botante sa pagtatapos nito sa August 10.

Wala na ring nakikitang dahilan ang poll body na palawigin pa ang voter registration.

Paliwanag ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sapat na ang 10 araw para makapagparehistro ang mga Pilipino sa maraming lugar sa bansa.

Samantala, sinimulan na kahapon ang pag-imprenta ng 200,000 balota para sa pagsasanay sa mga automated counting machine na gagamitin para sa BARMM Parliamentary Elections sa October 13.

Facebook Comments