Voter registration para sa 2025 midterm election, target na buksan ng COMELEC sa Pebrero

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na muling buksan sa susunod na buwan ang voter registration sa buong bansa para sa May 2025 midterm election.

Ayon sa Commission en banc, isinasapinal na ang magiging iskedyul ng voter registration period.

Kamakailan lamang ay nagpaalala rin ang COMELEC sa mga overseas Filipinos na magparehistro para sa 2025 midterm elections.


Batay sa COMELEC Resolution No.10833, ang filing period para sa overseas Filipinos ay nagsimula noong December 9, 2022 at tatagal hanggang September 30 ngayong taon.

Matatandaang ang huling voter registration period na ginanap sa bansa ay mula December 12, 2022 hanggang January 31, 2023.

Mahigit 2.5 milyong aplikasyon ang natanggap sa buong bansa sa nasabing panahon.

Facebook Comments