Voter registration para sa BSKE, maaaring palawigin hanggang sa 2026 —COMELEC

Posibleng palawigin hanggang sa susunod na taon ang voter registration para sa Barangay at Sanggguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ngayong umarangkada na ang sampung araw na pagpaparehistro para sa mga botante ng BSKE.

Ayon kay Garcia, maaaring i-extend ang voter registration at magtuloy-tuloy na hanggang 2026 kung magiging ganap na batas ang BSKE postponement.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng poll body na pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bicameral conference committee report kaugnay dito.

Sa kabila niyan, patuloy naman ang Comelec sa preparasyon para sa BSKE sa Disyembre dahil sa mga posibleng maghain ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema na layong ipahinto ang pagpapaliban sa halalan.

Facebook Comments