Umaapela ngayong ang Cotabato City Government sa publiko na mariing tutukan ang ginagawang voters registration ng Comelec para sa 2019 National at Local elections.
Itoy kasabay ng kapansin pansin na pagdagsa ng mga nagpaparehistro sa Comelec Office sa Cotabato City ayon pa kay City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani Sayadi sa ginawang pulong balitaan ngayong hapon sa Peoples Palace.
Bagaman malaki ang tiwala sa Comelec Officers, bunsod na rin sa masusing ginagawang screening at validation na mga nagpaparehistro lalo na sa mga nagpapatransfer ng registration, umaasa ang City Government na maging makatotohanan ang ginagawa sa Comelec.
Mas mainam aniyang maging mapagmatyag ang mga taga Barangay lalo na sa mga magiging future flying voters giit ng alkalde.
Kaugnay nito agad na pinulong ng alklade si Comelec Officer Atty. Michael Ignes kasama ang mga Barangay Officials upang maisigurong hindi makakalusot ang mga nagtatangkang guluhin ang talaan ng mga qualified registrants ng syudad.
Base sa Comelec Resolution 10392, itinakda ang period for the filing of application para sa registration bilang botante ng 90 days, mula July 2 hanggang September 29, 2018.
Voter Registration sa Cotabato City pinapatutukan
Facebook Comments