Voter registration sa mga lugar na isasailalim sa ECQ, hiniling na palawigin

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang deadline for registration sa mga lugar na apektado ng panibagong 15-day Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang 20.

Ang deadline para sa voter registration ay kasalukuyang nakatakda sa September 30, 2021.

Paliwanag ni Hontiveros, mahalaga ang extension ng voter regisration lalo na sa mga kabataan at iba pang first time voters na hindi makakalabas dahil hindi pa sila eligible para sa vaccination.


Diin pa ni Hontiveros, hindi dapat hayaan na ang COVID-19 Delta variant ay maging hadlang sa mamamayan na bumoto at gamitin ang kapangyarihan sa 2022 elections.

Facebook Comments