Voter’s registration sa mga MECQ areas, suspendido pa rin ayon sa COMELEC

Mananatiling suspendido ang rehistrasyon sa pagboto sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), epektibo lamang ang panibagong registration schedule kapag ibinababa na sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang isang lugar.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang voter’s registration para sa mga nasa ilalim ng GCQ at MGCQ.


Matatandaang pinalawig ang oras ng rehistrasyon mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon simula lunes hanggang sabado at kasama na rin ang holidays.

Facebook Comments