Voter registration sa NCR Plus, ipagpapatuloy sa Lunes, May 17 – COMELEC

Muling ipagpapatuloy ang voter registration sa NCR Plus area sa Lunes, May 17.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Director Bartolome Sinocruz Jr., muling bubuksan ang registration activities sa Office of Election Officers (OEOs) sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite matapos itong ilagay sa General Community Quarantine.

Ang registration activities ay mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Hinikayat muli ng poll body ang publiko na magparehistro at sa mga mayroong appointments ay pinapayuhan silang tingnan ang Facebook pages ng COMELEC offices kung saan sila ay magpaparehistro.

Facebook Comments