Umabot sa 88 percent ang voter turnout para sa Local Absentee Voting (LAV) nitong May 9 elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, ito na ang pinakamataas na voter turnout sa LAV.
Aniya, ang lav turnout noong 2010 ay nasa 74 percent; 64 percent noong 2013 at tig-77 percent noong 2016 at 2019 elections.
Sa ilalim ng LAV, pinapayagang makaboto ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno gayundin ang mga media workers, kasama ang mga photojournalists, documentary makers, technical at support staff, bloggers, at freelance journalists na naka duty sa araw ng halalan.
Isinagawa ang LAV nitong halalan mula April 27 hanggang 29.
Facebook Comments