Voter turnout sa May 2022 elections, posibleng nasa 80% o higit pa – COMELEC

Naniniwala ang Commission on Elections (COMELEC) na ang voters turnout sa May 2022 elections ay magiging 80-porsyento o higit pang mataas.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga bansang nagsagawa ng kanilang halalan ngayong pandemya ay nagkaroon ng mataas na voter turnout.

Aniya, ganito rin ang nangyari noong March 2021 Palawan plebiscite.


Ang voter turnout sa presidential elections ay kadalasang mataas kumpara noong midterm elections.

Facebook Comments