Voters’ education, isinagawa ng Comelec sa Taguig City Jail

Nagsagawa ng voters’ education ang Commission on Elections (Comelec) sa mga Persons Deprived Liberty o PDL.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang commitment na mabigyan ng kaalaman ang lahat at pagiging transparent ng automated election.

Ikinasa ang aktibidad sa Taguig City Jail kung saan ito ang kauna-unahang voters’ education sa mga bilanggo.


Paraan din ito ng Comelec para ihanda ang mga PDL sa tamang proseso ng pagboto sa 2025 midterm election.

Dito ay ipinakita at ipinagawa ng Comelec sa mga PDL ang mga bagong automatic counting machine na gagamitin sa pagboto sa susunod na taon.

Matatandaan na una nang pumirma sa Memorandum of Agreement ang Comelec, Bureau of Jail Management and Penology, Public Attorney’s Office (PAO) at Bureau of Correction (Bucor) para sa pagtutulungan na makaboto ang lahat ng mga bilanggo sa bansa.

Facebook Comments