Voters ID para sa mga Pilipino Abroad, planong i-isyu ng COMELEC  

Maaaring makapag-avail ng Voter Identification Cards o Voter’s ID ang mga Pilipino Abroad.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, plano nilang mag-isyu ng ID sa mga Filipino Overseas Absentee Voter.

Aniya, mayroon nang nagaganap na preliminary talks tungkol dito.


Sabi ni Jimenez, mataas ang demand ang issuance ng Voter’s ID mula sa Pilipino sa ibang bansa.

Sa ngayon, wala pang plano ang poll body na gawin ito sa mga Local Voter.

Ikinokonsidera ng COMELEC na isama ang Voter’s ID sa Philippine Identification System o PHILSYS.

Pero aminado ang COMELEC na nakatanggap sila ng impormasyon na hindi kasama ang Voters ID sa i-incorporate sa National ID.

Matatandaang itinigil ng COMELEC ang pag-iimprenta at distribution ng Voter ID noon pang 2012.

Facebook Comments