Naglabas ng panibagong abiso ang Commission on Elections (COMELEC) ukol sa Barangay and Sangguniang Kabataan o BSKE sa darating na December 1, 2025.
Sa inamyendahang BSKE 2025 Calendar of Activities, bubuksan ang Voter’s Registration sa August 1 hanggang 10, habang sa August 1 to 7 ay aarangkada ang Special Register Anywhere Program (SRAP), at Online Filing of Applications for Reactivation.
Sa darating na October 1 to 7 ang paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga nais kumandidato para sa eleksyon.
Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling sa unang araw ng Disyembre magaganap ang eleksyon.
Samantala, hinihintay pa ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos ukol sa ipinapanukalang postponement bill ng BSKE. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









