Voters’ registration, gagawin na lamang tuwing Lunes hanggang Huwebes – COMELEC

100

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na tuwing Lunes hanggang Huwebes na lamang gagawin ang voters’ registration.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, apat na weekdays ay ilalaan para sa voters’ registration habang ang araw ng Biyernes ay para sa disinfection ng mga opisina.


Ang lahat ng Offices of the Election Officer (OEOs) ay magsasagawa ng disinfection tuwing Biyernes maliban na lamang kung itinakda ng Local Government Unit (LGU) na gawin ang disinfection sa ibang araw.

Ang public registration hours ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Una nang inanunsyo ng COMELEC na walang voters’ registration ngayong Sabado, October 31 sa lahat ng kanilang tanggapan bilang paggunita sa Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kalukuwa.

Facebook Comments