Maaari pang makapagparehistro ang mga botanteng hindi nakahabol sa huling araw ng voters’ registration nitong 2020.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, magbabalik ang voters’ registration sa January 4, 2021.
Aniya, samantalahin na ang pagkakataong para makapagparehistro para makibahagi sa halalan sa 2022.
Magugunitang itinakda ang huling araw ng voters’ registration ngayong taon noong December 29 habang suspendido naman ito noong holiday.
Facebook Comments