Voters registration, kinansela na rin ng COMELEC dahil sa banta ng COVID-19

Sa harap pa rin ng banta ng COVID-19, nagpasya na rin ang Commission on Elections na suspendihin na ang voters registration sa buong bansa.

Sa abiso ni Comelec Spokesman James Jimenez, suspendido na simula bukas hanggang sa March 31 ang pagpapatala ng mga botante.

Nagsimula ang voters registration nitong Enero at magtatagal hanggang sa October 30, 2021.


Ito’y bilang paghahanda sa halalan sa 2022.

Facebook Comments