Magsisimula na ngayong araw ang voters’ registration sa bansa.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – hanggang September 30 lamang magtatagal ang registration period, kaya at dapat itong samantalahin ng mga botante.
Aniya, maaaring magpatala ang mga botante simula Lunes hanggang Sabado at maging sa araw ng holiday, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa kanilang mga field offices.
Plano rin ng Comelec na magdaos ng satellite registration sa mga malls, ngunit iaanunsiyo pa lamang nila sa mga susunod na araw, kung saan at kailan ito isasagawa.
Target ng Comelec na makapagtala ng mahigit dalawang milyong bagong botante para makaboto sa susunod na halalan.
Facebook Comments