Voters’ registration, muling bubuksan ng COMELEC sa unang araw ng Setyembre

139

Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na sisimulan na muli nila ang pagpaparehistro ng mga botante sa unang araw ng Setyembre.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, maaaring magsumite ng registration tuwing Martes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.


Paglilinaw naman ng COMELEC, isasagawa lamang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Sakali anilang itaas muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang isang lugar ay otomatikong sususpendihin ang voters’ registration dito.

Kaugnay nito, lilimitahan din ang bilang ng mga indibidwal na papapasukin sa loob ng opisina ng COMELEC para masigurong nasusunod ang physical distancing at kinakailangan din na nakasuot ng face mask at face shield ang magpaparehistro.

Samantala, magtatalaga rin ang COMELEC ng express lane para naman sa mga miyembro ng vulnerable sectors kabilang ang senior citizens, Persons With Disabilities (PWDs) at mga buntis.



Facebook Comments