Voters’ registration, muling bubuksan ng Commission on Election bukas

Manila, Philippines – Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botante na makilahok bukas (Nobyembre 6) na makilahok sa voter’s registration na magsisimula bukas.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez – bubuksan ang local offices ng COMELEC para ituloy ang pagpaparehistro mula‪ 8:00 ng umaga hanggang ‪5:00 ng hapon, simula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang araw ng holiday, sa mga nasabing petsa.

Magtatagal aniya ang voter’s registration hanggang Nobyembre 30, 2017.


Paalala ni Jimenez ang mga aplikasyon para sa registration, reactivation, change/correction of entries at inclusion o reinstatement of records sa listahan ng mga botante ay dapat na lagdaan ng personal sa mga tanggapan ng election officers sa kanilang lugar kung saan naninirahan ang botante.

Facebook Comments