VOTER’S REGISTRATION, MULING MAGBABALIK SA DARATING NA BUWAN NG DISYEMBRE NGAYONG TAON

Magsisimula na muli ang voter’s registration sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na ika-12 ng Disyembre ayon sa COMELEC.
Sa anunsyo ng Commission on Elections o COMELEC, muli nang magbabalik ang pagpaparehistro ng mga residenteng hindi pa nakapag-parehistro upang maging rehistradong botante.
Ayon kay Atty. Marino Salas sa isang panayam, ang provincial election supervisor ng COMELEC Pangasinan, ang mga hindi nakarating sa isinagawang rehistrasyon noong Hulyo ay maaari nang magparehistro simula ngayong Disyembre 12 hanggang Enero 31 sa susunod na taon.

Dagdag pa niya, kwalipikadong magparehistro ang mga residenteng may edad 15 pataas kung saan kailangan lamang dalhin ang kanilang mga birth certificate o anumang anumang valid ID para sa verification ng kanilang identity.
Sinabi niya na ang mga tanggapan ng COMELEC ay tumitingin at umaasa na muling makipagtulungan sa mga piling malls sa lalawigan sa oras ng kapaskuhan upang magbigay ng mga lugar ng pagpaparehistro sa labas ng lugar.
Sinabi ni Salas na magsasagawa rin ang COMELEC ng experimental activity na ipinakilala sa mga piling mall sa Metro Manila para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP).
Sa ilalim ng proyekto, sinabi pa ni Salas na ang mga residente ng Pangasinan na gustong magparehistro ngunit nasa Metro Manila sa panahon ng pagpaparehistro ay maaaring tumuloy sa mga itinalagang pilot areas para magparehistro. |ifmnews
Facebook Comments