VOTERS REGISTRATION PARA SA BRGY AT SK ELECTIONS, SINIMULAN NA

Pormal nang sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) kahapon ang voters registration bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Bukas ang lahat ng tanggapan ng COMELEC mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang mga holidays, hanggang Mayo 18, 2026.

Maaaring magparehistro ang mga kabataang edad 15–30 para sa SK Elections, gayundin ang mga aabot na sa 18 anyos sa araw ng halalan at mga first-time voters.

Kinakailangan lamang magdala ng isang valid government-issued ID.

Hinimok ng COMELEC ang publiko, lalo na ang kabataan, na gamitin ang kanilang karapatang bumoto bilang bahagi ng pakikilahok sa demokrasya.

Facebook Comments