Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng Voters’ registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa Mangaldan, dinagsa ng nasa higit 300 katao ang unang araw ng pagbubukas ng voters registration.
Sa Asingan naman, may inilabas ng schedule para sa mga lugar na pupuntahan para sa Satellite voters registration.
Nagbigay paalala rin ang tanggapan ng COMELEC na dapat nasa 15 taong gulang pataas ang mga kwalipikadong boboto sa Sangguniang Kabataan habang 18 taong gulang pataas naman sa regular voter.
May iba ring aplikasyon na maaaring bigyan pansin tulad ng first-tume viter registration, reactivation ng voter records, at iba pa.
Facebook Comments









