Posibleng hindi na ma-extend ang pagpaparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Bunga nito, hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na magparehistro na bago ang January 31 deadline.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, walang dahilan para palawigin pa ang pagpapatala dahil ipinaalam nila sa publiko ang inisyatiba at inilunsad ang Register Anywhere Project (RAP).
Maaari lamang aniya magkaroon ng extension sa ilang lugar kung saan naudlot ang pagpaparehistro ng mga botante dahil sa kalamidad tulad ng pagbaha.
Sa ngayon, sinabi ni Garcia na ang COMELEC registration sites sa buong bansa ay nakatanggap na ng hindi bababa sa 1,028,000 na aplikasyon mula nang buksan ito noong December 12, 2022.
Target ng poll body na magkaroon ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong mga bagong botante hanggang sa January 31 deadline.