VOTER’S REGISTRATION SA DAGUPAN CITY, MULING BINUKSAN NGAYONG ARAW; SATELLITE REGISTRATION SA PAARALAN AT BARANGAY HALL BUBUKSAN

Umarangkada ngayong araw ang pagpapatuloy ng Voter’s Registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lungsod ng Dagupan.
Maliban sa tanggapan ng COMELEC Dagupan nagsagawa din ng satellite registration ang kawani nito sa Pugaro Integrated Integrated School.
Target ng ahensya na mapataas ang bilang ng mga edad 15-17 na prayoridad na mairehistro na ‘first time’ na boboto sa SK Elections sa susunod na taon.
Inaasahan ng COMELEC Dagupan na mayroong 6,000 bagong botante nito ang mairerehistro hanggang sa pagtatapos ng Voter’s registration sa darating ika-31 ng Enero sa susunod na taon.
Kada paaralan, na mahigit kumulang 200 ang kanilang target na mairehistro.
Bukas, December 13, 2022, magtutungo ang COMELEC Dagupan sa Salapingao National High School sa December 15, 2022 sa Carael National High School at December 17, 2022 sa Lomboy Barangay Hall.
Gagawin ding satellite site ang isang mall sa lungsod mula January 23-31.
Sa mga nagnanais na magparehistro, paalala ng ahensya Magdala lamang ng photocopy ng kahit anong valid ID or Certificate of Residency na may kasamang larawan.
Samantala, Maaari namang tanggapin ang Birth Certificate ng mga SK registrants kung ang mga magulang nito ay botante na ng Dagupan City. | ifmnews
Facebook Comments