Voters’ registration sa ilang mga mall, itutuloy na ng Comelec

Ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voters’ registration bilang paghahanda sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa Hulyo 12, 2021 ay lalagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Comelec at ang Robinson’s Land Corporation para sa paglalagay ng voters’ registration booths sa mga piling mall ng Robinson’s sa buong bansa.

Sinabi ni Jimenez na layon nito na mabigyan ng alternatibong satellite registration sites sa mga mall ang publiko.


Sinabi rin ni Jimenez na sa sandaling maisapinal na ang schedule at mga mall ay maaari nang isumite ng mga aplikante ang kanilang form, documents at biometrics data.

Nabatid kay Jimenez na limitado lang ang bilang ng mga magpaparehistro na papasukin sa loob ng malls.

Nilinaw rin ng opisyal na tanging mga residente sa isang lokalidad o mga lilipat ng tirahan ang bibigyan ng pagkakataon na makapagparehistro sa partikular na sangay ng nasabing mall.

Facebook Comments