VOTER’S REGISTRATION SA MGA MALL SA DAGUPAN CITY, ISASAGAWA

Nakatakdang isagawa ang voter’s registration sa ilang piling mall sa Dagupan sa susunod na buwan ayon sa COMELEC.

Ayon sa ahensya, nakatakdang gawin ang mall registration sa unang linggo at huling linggo ng Setyembre na magsisimula ng 9: 00 ng umaga at magtatapos ng alas 4:00 sa unang linggo ng buwan.

Pahahabain naman ang oras ng registration sa huling linggo hanggang ala sais ng gabi.
Dahil sa pagsasagawa ng mall registration walang tatanggaping transaksyon ang kanilang tanggapan.


Tiniyak naman ng ahensya at ng mga mall na mahigpit nilang ipatutupad ang minimum safety protocols.

Samantala, kung magpaparehistro sa mga mall kailangan magpakita ng birth certificate, marriage certificate at valid Id upang maproseso ang registration.

Facebook Comments