Nakitaan ng Commission on Elections (COMELEC) ng mababang bilang ng aplikante sa mga unang araw ng voters’ registration sa National Capital Region.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, resulta pa rin ito ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang kanilang mga local office sa NCR ay nakapagproseso pa lamang ng nasa 5,028 transactions mula sa registration ng mga bagong botante at reinstatement ng listahan ng mga botante.
Ang isa pang dahilan kung bakit kakaunti ang nagpaparehistro ay dahil sa mga haka-hakang hindi papayagan ang mga tao na lumabas para magparehistro.
Bukod dito, sinabi ni Jimenez kailangan ding mag-set ng appointment ang mga magpaparehistro bago magtungo sa registration centers.
Bumagal din ang kanilang website dahil sa libu-libong nagda-download ng mga kinakailangang dokumento.
Ang voters’ registration para sa May 2022 National and Local Elections ay sinimulan noong September 1.