Voters’ registration sa Pasay, muling ipinagpatuloy

Binuksan muli ngayon ang pagpaparehistro ng mga botante sa Comelec-Pasay.

Alas7:00 ng umaga kanina nang magsimulang dumating ang mga magpaparehistro kabilang na ang mga bagong botante, ang for activation at ang mga transferee.

Ayon kay Atty. Ronald Santiago ng Comelec-Pasay, nakikita nila ang sampung porsyentong madadagdag sa bilang ng mga botante sa lungsod sa halalan sa susunod na taon.


Simula naman sa September 11, uumpisahan na rin ang synchronized satellite voters registration sa MOA, Pasay mula alas otso ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Paalala ng Comelec sa publiko, magdala ng itim na ballpen at iba pang requirements.

Facebook Comments