Voters’ registration, suspendido mula March 29 hanggang 31 sa NCR+ – COMELEC

34

Sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang voters’ registration sa National Capital Region (NCR) at apat na katabing probinsya sa harap ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang pasok sa kanilang mga tanggapan sa NCR+ bubble ay suspendido mula March 29 hanggang 31.


Kaya ang pagpapasa ng applications para sa voters’ registration at iba pang serbisyo ay suspendido.

Facebook Comments